Friday, December 6, 2013

GO..

SIGE LANG.. SA NGAYON HAHAYAAN KO NA LANG MUNA KAYO DYAN SA PANINIWALA NIYO. HAHAYAAN KO NA LANG MUNA KAYO DYAN SA INIISIP NIYO SAKEN..


SA NGAYON, PAPANIWALAIN KO KAYO SA GUSTO NIYONG PANIWALAAN. 

Tuesday, November 5, 2013

To My BestFriend..

Hi Unni! :) How are you?? Ang dami kong gustong sabihin sayo.. sa totoo lang, while typing this, umiiyak ako. HAHAHA! kakatawa ano? Seryoso na..

Una sa lahat, IM SORRY. Sorry kung may mga nagawa ako or nasabi sayo.. sorry sa lahat. And, sorry talaga kasi dapat hindi dapat sumama ang loob ko sayo. But, can't help it. It hurts e. :( baket masama loob ko sayo? May ideas ka na naman siguro kung baket diba? kung wala.. eto.. Nung birthday ko, nagpromise ka na pupunta. Kaso, hindi ka nakapunta due to some reason na okay lang naman BUT ang mas nakakatampo talaga is HINDI MO KO BINATI. Ouch kaya yun, hindi ka na nga nagpunta, di pa binati. Yun na nga lang hinihintay ko e.Then, nagpromise ka naman na pupuntahan mo ko dito sa bahay, nakailang balik ka na dito sa batangas pero di ka naman nagpunta dito. Though nasasabi kong okay lang, okay nga lang naman talaga pero di pa din maiwasan na may maramdaman akong hurt. Yes Unni, it hurts talaga. I felt so bad kasi nararamdaman ko to. Oo, naiintindihan ko naman, promise, gets ko kung bakit ganyan pero it hurts pa din talaga e. sobra.. siguro kasi nag'expect ako? then it turns out na madidisappoint din pala ako. And, siguro kasi akala ko talaga meron na akong makakausap sa lahat lahat lahat lahat lahat ng mga pinagdadaanan ko. pero.. wala pala.

Second, kahit naman ganyan nararamdaman ko sayo, MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA BESTFRIEND. Sayo kasi, lahat nasasabi ko. Sayo hindi lang bestfriend meron ako, may kapatid, may supporter, may cheerer, may clown, may shield, may boyfriend, may listener, may advicer, may partner in crime, may singer na din, may kasama ako sa lahat. Pero sabi nga nila, constant ang change. May mga nagbago saten, alam mo na naman siguro yun. Siguro ako, nagbago din, pero ang alam ko HINDI NAMAN NAGBAGO YUNG TURING KO SAYO, HINDI AKO NAGBAGO. AKO PA DIN TONG BESTFRIEND MONG BALIW.

Lastly, masyado na ata tong mahaba.. tsaka, ang hirap na magtype kasi yung mga luha ko ayaw tumigil sa pagtulo. hahaha! siguro kung andito ka lang, may magpupunas ng mga to tulad ng ginagawa mo dati pag umiiyak ako tapos bigla mo kong papatawanin, tatawanan mo ko kasi si stella na mataray, na masungit.. umiiyak. haha! THANKYOU Unni, sa lahat lahat, hindi ko na kelangan isa-isahin pa, basta sa lahat. IM SO HAPPY kasi meron akong katulad mo sa buhay ko. YOU'RE ONE OF THE BLESSINGS NA NATANGGAP KO.

Naguguluhan ka siguro bat ko nasasabi to.. Unni, don't worry. DI PA NAMAN AKO MAMAMATAY. Duh, di ka pa kinakasal kaya hindi pa ako pwedeng mamatay! Hmm, Sorry pala ulet kasi hindi ko agad nasabi sayo to.. aalis na ako unni, as in ngayon araw na to, dumating na visa ko, pupunta na ako sa Abu Dhabi. Ang drama ko no? aalis lang naman ako pero may ganto pa ako. E gusto ko to, para na din kahit papano gumaan na pakiramdam ko. Sorry din ha? kasi nung last na nagkausap tayo sa chat ang cold ko sau. sorry. Unni, ang dami kong utang na mga kwento sayo.. miss na miss na kita.. miss na miss ko na yung kapatid kong adik.. sobra.. sa lahat naman kasi, ikaw lang talaga ang tinuring kong PINAKA bestfriend ko..

Naranasan mo na ba
Mawalan ng makakasama? 
Sa gitna ng daan
Hindi alam ang pupuntahan

Huwag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay iyong mahahawakan

Naranasan mo na ba
Madapa at masugatan? 
Hawakan mo ako
Hinding-hindi iiwan 


Tanda mo pa ba yan?? Theme song naten yan diba? sayang di tayo nakagawa ng cover nyan :(

Tuesday, October 1, 2013

Friday, September 27, 2013

Less talk, less mistake.. 'DAW'

Hindi ko alam kung maaapply ko nga ba yan sa nangyayare saken. Madami akong gustong sabihin, sana lang nga may printer ang awat utak ng mga tao, so I can print out na lang kung ano mga gusto kong sabihin.. Ang hirap hanapan ng words.. ay grabe. Siguro, dito ko na lang talaga masasabi lahat, lahat lahat ng mga saloobin ko. Dito lang din naman ako nagiging open para sa sarili ko e. By this, feeling ko may karamay ako.. may handang makinig saken.. yung hindi agad ako kokontrahin na mali ako or whatsoever.. hays..

Friday, August 30, 2013

Hays. Mga tao nga naman.. Seriously? Pag nanahimik ka andaming sinasabi, kesyo DUWAG ka.. GUILTY.. MAHINA.. TAKOT..

HINDI AKO DUWAG. Naging kampante lang kasi kayo na "TAMA" kayo.

HINDI AKO GUILTY. Aminado naman akong nagkamali ako pero ALAM KO KUNG PAANO MANAHIMIK para hindi na lumaki ang gulo.

HINDI DIN AKO MAHINA. Nagkataon lang siguro na NAG-VOLT IN KAYO laban saken and that's unfair sa isang game, ang may mapagkaisahan laban sa lahat.

MAS LALONG HINDI AKO TAKOT. ALAM KO KASI ANG TOTOO. E ano kung nagkamali ako? Hindi naman kasi ako perpekto at santa-santitang tulad niyo. Hindi din ako natatakot na ipakalat niyo pa ang "akala niyong totoong nangyare" sa lahat. PINAPAKITA AT PINAPAALAM NIYO LANG KASI SAKEN KUNG GAANO KAYO KA'PATHETIC. :)


Someday, magkakaharap harap din tayo. Mga bwisit kayo.

Saturday, August 24, 2013

Kaya ko naman diba?

Kaya ko.. kakayanin.. mabubuhay naman akong mag-isa e. Alam ko yun, at kelangan.. gusto ko yun e. Mas mahirap kasi kung mag stay pa ako dito, mas mapapadali ang kamatayan ko.


Mas mabuti ng mamuhay akong mag-isa, by that, wala na silang masasabi pang kung ano saken.. ayoko na e, sobrang hirap na ako :(

Thursday, August 22, 2013

Me VS The World

Taray. Parang si Scott Pilgrims lang.. haha! pero totoo yan.. Kalaban ko ata ang mundo ngayon. Grabe sila.. Yung tipong maiiyak ka na lang talaga at mapapamura sa mga nangyayare.. :'(

Tuesday, July 30, 2013

My Day. :)

Akala ko hindi magiging masaya birthday ko, pero AKALA KO LANG PALA YUN. Oo, walang handa, WALA NGANG CAKE E, pero the fact na may nagpaparamdam saken na SPECIAL pa din ako sa kanila, THERE'S NOTHING I COULD ASK FOR. Hindi man COMPLETE yung happiness na naramdama ko coz of:

*First time mag-birthday na hindi ko kasama ang kakambal ko, si Anna.
*Disappointed with my bestfriend. I should expect it naman dapat diba? She promised, yet di nya natupad. Worst? Di man lang niya ko binati :( Okay na naman na hindi siya nagpunta pero yung hindi ako i'greet? THAT'S TOO MUCH.
*NO GREETINGS FROM THEM. Keri boom boom lang XD
*HINDI KO NAKASAMA ANG MGA MAHAL KONG THESPIANS :(


Pero kahit ganun, NAGING MASAYA DIN NAMAN AKO. Celebrated my day with my new friends e. (i'surprise pa ako na may bonus yung salary na natanggap ko! plus yung gift ni Bhebe Marie!)




ThankYou Lord for this new year of life. New year, New challenges. Keep Fighting Stella! :)

Thursday, July 4, 2013

:(

:(

Malungkot ako.. ewan ko ba. I hate this feeling, yung bang nalulungkot ka pero di mo alam yung reason? naiinis ka sa hindi mo alam na reason ulet? nai'stress ka kasi para kang sira na naiinis at nalulungkot dahil na naman sa walang reason????


Wah, I think I'm PMSing. Sorry sa mga natatarayan ko this day.. even si Mama natarayan ko, sorry Mama :(

Sunday, June 9, 2013

Almost 3 days akong hindi umuwi samen, why? kasi GALIT ako.

Sa totoo lang, ayokong magalit.. yun ang pinaka'LEAST na gusto kong maramdaman ko.. and sa kapatid mo pa? hindi naman nga dapat ako magagalit pero, MAY DAHILAN naman e. Dahil lang sa pera kelangan ko magalit? ambabaw diba? pero hindi e.. sahod ko yun :( pinaghirapan ko yun taz parang mauuwi lang sa wala?? ni hindi nga ako nakabigay kay Mama since nagkawork ako then sa ganun lang mawawala din yung pinaghirapan ko??

And, isa pa.. gusto kong pumasok ulet.. kaso nawawalan ako ng lakas ng loob e.. walang sumusuporta saken, sarili ko na lang.. hindi ko na alam gagawin ko.. sobra sobra na akong naguguluhan at nasasaktan..



Hindi naman kasi ganto yung gusto ko, pero bat ganito pa din nangyayare saken? AM I THAT BAD PARA MAGING GANTO AKO KA'MISERABLE?








Gusto ko nang sumuko.. :'(

Wednesday, June 5, 2013

HAPPINESS, Where Art Thou?

Naubos ko na yung hot milk ko yet wala pa din akong maisip na isulat.. hays.

Bat ganto? Masaya naman ako, alam ko yun pero bat feeling ko parang may kulang?? hindi ko din alam kung anong kulang..

Love life? e, don't wanna talk about it. Ayos naman kasi, though single ako(though meh mga nalilink! showbiz ang peg XD) pero masaya ako.. sapat na yung alam kong maraming anjan para saken, pero ayoko kasi talaga muna.. kung magmamahal man ulet ako, gusto ko pangmatagalan na.. yun bang SIYA NA TALAGA. Ayoko na muna mag-risk ulet for another relationship then masasaktan na naman ako.. ayoko na masaktan, sapat na siguro yung mga naranasan ko in my past.. Torture na masyado kung masasaktan na naman ako diba?

Work? almost a month na din naman akong walang work so nasanay na ako na wala akong pera.. though nagdadalawang isip ako kung ano ba talaga ang balak ko.. full time work o mag-aral ulet while magpapart time ako? GUSTO KO sana mag-aral ulet, pero pano ko gagawin yun kung wala akong pera? ako na mismo kasi ang magpapaaral sa sarili ko, hindi na ako matutulungan ng Ate ko. San naman kaya ako makakahanap ng part time? :( kung malakas lang siguro ako, kakayanin ko na lang mag-crew sa mga fast food chains na yan e, kaso alam na alam ko babagsak ako sa medical pa lang :'(

Family? okay naman, though minsan nagkakabangayan. hindi naman kasi siguro yun maiiwasan. hays..

Friends? duh, masaya ako sa mga kaibigan ko. pero namimiss ko silang lahat :( GREENITY.. TFCB (yes, special pa din sila saken kahit na ganun nangyare.. hays).. X2 AllStars.. TheBOX (of course! hindi yan mawawala, masyadokong mahal ang mga thespians kaya hindi ko sila makakalimutan kahit yun iba e mga nakalimot na).. WEST CONVERSIANS (ang mga loko-loko kong kasamahan sa work!).. UZZAPERS!!.. BASTA LAHAT NG MGA KAIBIGAN KO (sa Batangas, Navotas)

Health? sanay na ako na hindi talaga ako healthy! hahahaha!




Hindi ko talaga alam kung ano pang kulang kung baket hindi pa din COMPLETE yung HAPPINESS na gusto ko.. pero sana lang talaga, SOOOOON.. makumpleto na yun..

Monday, May 13, 2013

Untitled

Ang sakit lang isipin na yung dating ginagawa niya sayo, ginagawa niya na ngayon sa iba.


Wednesday, May 1, 2013

haaaaaaaaaaaaaaays...

eto na naman, umiiyak na naman ako. bat ba lage na lang ganto? simpleng bagay, pinapalaki pa. masama, ako na naman ang meh kasalanan. ganto na lang ba lage? oo, sanay na naman akong masaktan sa mga sinasabi nila.. pero, masakit pa din..

minsan na nga lang ako andito, ganto pa mangyayare. sana lang talaga di na ako umuwi e, kung okay okay lang sana ang sweldo ko, baka nag.solo na ako.. haaaaaaaaaaays, ayoko na. konti na lang baka sumuko na ako bigla..

STRESS RELIEVED!!!

Overnight swimming with them?! SO HAPPY! And, super unexpected talaga.. Grabe!! Super namiss ko talaga sila! and magugulat na lang ako, kasama pa yung kuya'kuyahan ko na si Kuya Leo! He's the one na laging nag.aadvice saken, nangangaral.. he treated me like his own little sister! super close kami.. though medyo may attitude sya, pero tolerable naman :)) hays.. matagal na siguro ulet before kami magkakasama sama na naman :(

Friday, April 26, 2013

HALO-HALO..

Sobrang saya ko! kasi graduated na ang kapatid ko, meron na kaming pagmamalaking ENGINEER!! :) Sooooo proud! Pero di lang pala saya nararamdaman ko.. may konting inggit at panghihinayang..

Last year, sana andun din ako sa lugar na yun.. may suot na toga, walang sawang kuhaan ng pictures with classmates, instructors and friends.. aakyat ng stage to get my certification of completion (after a year pa daw kasi ang diploma).. kasama sa mga kakanta ng Grad Song.. and yung magbibigay ng rose kay Mama tapos sasabihin sa kanya na "'Ma, sa laban na to, hindi ako ang panalo kundi ikaw.. ako lang ang double mo dito, ako ang lumaban pero lahat ng toh sayo lahat.".. Syempre alam kong iiyak ako, tapos iha'hug ako ng best friend ko.. yung kasama ko ding lumalaban para naman sa family niya.. Ang saya lang sana isipin na sana naranasan ko yan.. KASO HINDI..

Pero SOOOOON, sana maranasan ko din yun.. hindi pa naman huli ang lahat diba?



Mama.. let me rest and ayusin ang buhay ko.. mangyayare din yan saken.. magiging proud ka din saken someday.. hintayin mo yan Mama.. Lalaban ako ulet.

Monday, April 22, 2013

this is for you, June Carl Liboon Malapit.

wow makareact?? tsk..

wala kong pakelam sa mga sasabihin mo, or kahit sa anong gawin mo. ang kapal ng mukha mo!! shit lang, tulad ng sinabi mo na wala ka naman na palang pakelam saken, bat mo pa kelangang magreact? besides, kita mo comment ko? so ano naman?? malamang makikita mo yun ikaw pa na demonyo ka? :)

ksp pala? pwede ba, di kita pinapakelamanan sa mga pinagpopost mo or kung anu man ang ginagawa mo, wag mo din akong pakelaman! yung sa sakit ko? tangina, tangina mo. tangina mo sobra. alam na alam mo kung bat ako nagpopost ng ganun! wala akong nasasabihan ng mga nararamdaman ko, kaya sa blog ko ako nagsasabi hindi para magpapansin! ang kapal ng mukha mo, OO, DAHIL DYAN SA MGA PINAGSASABI MO TALAGANG KINAKAHIYA NA KITA. SINUSUMPA PA KITA. wala akong pakelam sa kung anong alam mo sa buhay ko at sa mangyayare pa, tangina mo, nakakapaiyak ka sa galit!!!

palengkera ako, oo, siguro.. ganun talaga ako e. kesa sa itago ko nararamdaman ko.

sorry ha? ikaw na kasi magaling sa english, sorry kasi nagkakamali kami kasi di naman kami katulad mo na akala mo e perfect. hiya ko talaga.

Saturday, April 20, 2013

Let me live my life to its fullest!

Hays.. lets be more serious this time.

Nagbago na ako. Marami na akong binago sa sarili ko. Kelangan e, kelangan ko para sa sarili ko. Wala naman kasi akong ibang aasahan kundi sarili ko lang, yung mga taong nagsasabi na they will be there at my side if I need them? well, they disappeared. Ako na lang tumutulong sa sarili ko, kaso how can I help myself kung sariling katawan ko naman ang di tumutulong saken?

Yesterday, I went to my doctor for a check up kasi sabi nila Ate, they're all worried on what's happening to me, sa foot ko na minamanas.. and isa daw kasing serious symptom yun lalo na at may heart problem ako. So there, I had my ECG and okay naman daw except for irregular heart rate.. yung sa manas ko? simtomas daw yun na may rheumatic heart disease.. pero not sure pa naman daw kasi di pa din ako nakakapagpa'2D Echo dahil sa wala pa kaming pera. Niresetahan lang muna ako ng gamot (yes, welcome back my dear medicines! ) for 2 weeks dahil need ko ulet magpacheckup..

Ang hirap ng ganto.. sobra sobra.. minsan naiisip ko na sumuko na at hindi ko na kinakaya to.. pera? oo, kelangan ko ng pera para sa mga medications ko.. kaso hindi naman kami mayaman para matustusan yun.. ang hirap :( di ko na talaga kinakaya to so I need to let this out para na din mabawasan ang isipin ko..


Lord, please heal me. give me more strength, please.

Wednesday, April 3, 2013

SHIT HAPPENS

CUT THE BULLSHIT. Ewan ko lang kung sign yan para saken na nakita ko o wala lang. Yesterday was full of shits. Though meron naman GOOD NEWS pero, mas nangibabaw saken ang pagkainis ko, dala na siguro ng init, gutom at pagod, pero sobrang nainis talaga ako. Lets say na ako yung may kailangan, ako yung lumapit (nagtext lang ako), pero wala pa din siyang karapatang magsalita ng ganun kay Mama. Like duh, napaliwanag ko naman kung baket walang mabigay si Mama dahil amy inaasikaso at busy so there's no choice kundi ako ang maghanap ng paraan and siya lang naisip kong makakatulong saken pero anyare? ayun, ganun pa. Ang kapal lang ng mukha. Nag-aalala daw siya, sa lagay na yun? nag.aalala na siya? tsk.. i gave him some ways na pero wala pa din. tsk.. ewan sayo.

WALA YANG MGA REASON REASON NA YAN KUNG WILLING KA TALAGANG TUMULONG. 

Tuesday, March 5, 2013

T_T

ONE of a FEW FACTS ABOUT MYSELF: I'm a frustrated writer.

I love reading books, lalo na yung mga filipino literary books. Konti lang siguro ang nakaka'appreciate sa mga yun except sa book nila Bob Ong, Jay Panti, Eros Atalia.. pero how about the others? ako, basta na'catch nun ang attention ko and interest, kelangan ko ng mabasa yung book na yun. At dahil nga dyan, pinangarap kong maging writer.. yung freestyle writer ba.. yung magsusulat ako ng mga stories, novel.. mga ganyan klase.. Ang dami kong naiisip na mga ideas, pero kinukulangan nga lang ako ng words para isulat lahat ng yun. Pero, mahina loob ko e. Takot kasi ako sa pwedeng sabihin ng iba, kaya naiisip kong wag na lang magsulat.. Ayokong mapahiya. :(

Thursday, February 14, 2013

happy VALENTINES DAY!

HAPPY VALENTINES DAY!




Happy? No. Nakikisama din siguro saken ang panahon.. UMUULAN. Bakit ganun, I feel so HURT.. DISAPPOINTED.. and INSECURE. Hays, ganito na lang ba lagi? ako yung laging masasaktan, ako yung iiyak.. di naman to masaya ah! Gusto ko lang naman maging masaya ako, pero ganito pa din?

I feel disappointed kasi.. wala lang sa kanya talaga. What di I expect pa nga naman kasi diba? bat di pa ako nasanay. Pero ganun talaga, that's life.. and it's fucking unfair.

Insecure? yeah, kinda. Nasasabi niyang mahal niya pa din ako pero bat ganun? special tong araw na toh lalo na sa mga gurls, they're expecting from someone who loves them ANY surprises pero WALA, NGANGA 'DRE. Naisip ko kasi, buti pa yung iba dati, nabibigyan niya ng surprise.. nabibigyan niya ng effort.. e AKO TONG MAHAL "DAW" NIYA, WALA.

It really HURTS. Ganon siguro ako kawalang halaga sa kanya. OO, WALA NGA SIGURO AKONG HALAGA SA KANYA.



Ang TANGA ko din kasi e, bat nga ba hindi pa din ako madala?!!! Sinusuka na nga, nagpupumilit pa din. No, let me scratch that, di naman ako nagpupumilit, UMAASA LANG AKO na hindi naman ganun tulad ng mga nasabi ko. Kaso ano napala ko? wala diba. Saklap lang, haha! Ang galing ko, nakukuha ko pa din talaga tumawa kahit ganto na nararamdaman ko :D I'm not an actress naman e, hindi ako marunong umarte, (pero maarte ako!) kaso eto talaga nararamdaman ko e.. hays..





AYOKO NA...

Wednesday, February 13, 2013

Just a.. thought maybe?

OKAY. Valentines Day na bukas.. and guess what? this thought keeps on playing on my mind. HAHA! Well, just like any ordinary girl, may dream valentine din ako noh! ;)

Flowers, chocolates, teddy bear, balloon, a date.. common na yang mga yan twing Valentines Day BUT, gusto ko din maranasan yun!!! :(

Sounds so pathetic right? never ko pa kasi nararanasan yun. Well, may mga nagbigay na din naman saken ng flowers, chocolates.. pero hindi Valentines Day yun!!!

Anyways, dream ko kasing may magbigay saken ng bouquet of flowers. Roses, Tulips, Callalily! kahit ano naman wag lang cauliflower and yung meh kawayan -_-

Chocolates? well, chocnut at lala ok na saken e, pero syempre dapat bonggahan naman! hello? once in a year lang ang valentines day di pa pagkakagastusan? haha!

Teddy Bear.. AYOKO NUN. Kukunin lang kasi saken ni Anna yun malamang. So I prefer, any stuff toy na lang :) (minions, panda, lion.. suggestion ko lang yan ah! haha!)

Balloon!!! yes, yung may dedication :) hihi. Gusto ko laging makarecieve ng balloon kahit twing birthday ko, wala lang. Cute lang kasi >.<

A Date.. lahat naman siguro ng girls gusto ng romantic date. AKO DIN KAYA >3< girl din naman ako, and sana man lang maka'experience ko even just for ONCE yung real date. Hihi. Pasyal sa park, amusement park, dinner date sa isang formal restaurant, basta yung real date!! haha!



Haaaaays, will I ever experience that? :(

Monday, February 11, 2013

....

I'm teary at this moment while I'm typing this, why? Naalala ko kasi bigla si Mama Lydia.

I MISS HER SO MUCH. Naaalala pa kaya niya ako? Binabantayan niya kaya ako? She's my second mother, sa kanila na ako lumaki at nagkaisip. They treated me like I'm their little princess.

Kung pwede lang talaga na ibalik yung dati, kung alam ko lang na yun na sana ang last namen na pagsasama sana lumuwas ako and spent the holidays with her.. Sana nasabi ko din kung gaano ako ka'thankful kasi naging bahagi siya ng buhay ko, kung gaano ko siya kamahal..





Mama Lydia, wherever you now I hope you're now okay. Nagkita na siguro kayo ni Kuya Arvi noh? Mahal na mahal ko kayo.. Please guide me always.. I miss you..

Sunday, January 13, 2013

*deep sigh*

Haaaaays. Eto yung pinakaayaw kong nararamdaman e.. Yung sobrang lungkot kasi aalis na naman ako, iiwan ko na naman sila.. mataga na naman ako hindi makakauwi.. mamumuhay na naman ako mag-isa.. mamimiss ko na naman sila :(

Kelangan e, iba na buhay ko ngayon. Hindi na dapat ang sarili ko ang iniisip ko ang. I have my family na kelangan ng suporta ko. Please God, give me more more more strength, kelangan ko harapin to.. kelangan ko para sa pamilya ko..

Friday, January 11, 2013

Okay..

Okay.. Minsan naman talaga e dumadating ako sa point na 'natatanga' ako. HAHA! Ewan ko ba, para lang akong sira. PMS maybe? Minsan wala sa mood makipag'usap KAHIT KANINO, minsan naman e napakakulit. Minsan naman e mataray, minsan naman e abnormal. GRRRR! What the hell's happening to me? HAHA!

Ako na muntanga. :3

Tuesday, January 8, 2013

Do I REALLY Deserve To Be Happy?

I know, I'm not perfect, madami din akong mga naging kasalanan pero hindi pa ba sapat lahat lahat na mga sakit, pag-iyak, paghihirap na dinanas ko noon? Hindi na ba talaga ako pwedeng sumaya? :(

Sunday, January 6, 2013

New Year ..

Welcome 2013! I know its a late greeting but now is just a perfect time I think for a new blog for me. A new blog for a new life.


Welcome also to my Beb! Welcome to our family, welcome to my life :)
Iloveyou!