Wednesday, June 5, 2013

HAPPINESS, Where Art Thou?

Naubos ko na yung hot milk ko yet wala pa din akong maisip na isulat.. hays.

Bat ganto? Masaya naman ako, alam ko yun pero bat feeling ko parang may kulang?? hindi ko din alam kung anong kulang..

Love life? e, don't wanna talk about it. Ayos naman kasi, though single ako(though meh mga nalilink! showbiz ang peg XD) pero masaya ako.. sapat na yung alam kong maraming anjan para saken, pero ayoko kasi talaga muna.. kung magmamahal man ulet ako, gusto ko pangmatagalan na.. yun bang SIYA NA TALAGA. Ayoko na muna mag-risk ulet for another relationship then masasaktan na naman ako.. ayoko na masaktan, sapat na siguro yung mga naranasan ko in my past.. Torture na masyado kung masasaktan na naman ako diba?

Work? almost a month na din naman akong walang work so nasanay na ako na wala akong pera.. though nagdadalawang isip ako kung ano ba talaga ang balak ko.. full time work o mag-aral ulet while magpapart time ako? GUSTO KO sana mag-aral ulet, pero pano ko gagawin yun kung wala akong pera? ako na mismo kasi ang magpapaaral sa sarili ko, hindi na ako matutulungan ng Ate ko. San naman kaya ako makakahanap ng part time? :( kung malakas lang siguro ako, kakayanin ko na lang mag-crew sa mga fast food chains na yan e, kaso alam na alam ko babagsak ako sa medical pa lang :'(

Family? okay naman, though minsan nagkakabangayan. hindi naman kasi siguro yun maiiwasan. hays..

Friends? duh, masaya ako sa mga kaibigan ko. pero namimiss ko silang lahat :( GREENITY.. TFCB (yes, special pa din sila saken kahit na ganun nangyare.. hays).. X2 AllStars.. TheBOX (of course! hindi yan mawawala, masyadokong mahal ang mga thespians kaya hindi ko sila makakalimutan kahit yun iba e mga nakalimot na).. WEST CONVERSIANS (ang mga loko-loko kong kasamahan sa work!).. UZZAPERS!!.. BASTA LAHAT NG MGA KAIBIGAN KO (sa Batangas, Navotas)

Health? sanay na ako na hindi talaga ako healthy! hahahaha!




Hindi ko talaga alam kung ano pang kulang kung baket hindi pa din COMPLETE yung HAPPINESS na gusto ko.. pero sana lang talaga, SOOOOON.. makumpleto na yun..

No comments:

Post a Comment