October 30, 2015.
Natapos na naman ang supposed to be na espesyal na araw. HAHAHA! ano ba yan, bat nga ba ako nag eexpect pa? Umaasa na naman ako. Alam ko na naman ang mangyayare, pero bat nag expect pa ako ng iba? oh, ano ako ngayon? nasaktan na naman.
Sana before this year ends, maging masaya na ako. :(
You will truly never be good enough for anyone else if you are not good enough for yourself first.
Friday, October 30, 2015
Saturday, September 19, 2015
At dahil off ko, at may nararamdaman na naman akong hindi ko maintindihan.. naisip ko na naman tuloy siya..
Hindi ko na alam kung hanggang kelan nga ba ako magkakaganito.. Ako naman ang nagdesisyon na umalis sa buhay niya, pero ako yung mas nahihirapan dahil ramdam kong wala naman siyang ginagawa para mag stay ako.. masakit, sobra.. hindi ko na alam kung hanggang kelan nga ba tong kahibangan ko..
Oo, ayaw ko siyang mawala pero kelangan ko naman isalba ang sarili ko sa mga nangyayare, kelangan ko munang hanapin ulet ang sarili ko.. sa dami ng mga nangyare, mga planong hindi nangyayare at mga pangakong napako.. halos wala na akong maramdaman kundi puro sakit.. sakit sa sobrang pagmamahal sa isang tao na hindi naman din kayang pantayan yung binibigay mong pagmamahal sa kanya..
Siguro nga, kung masipag lang ako, makakagawa ako ng story tungkol sa amin.. kaso ayoko, ayokong malaman ng mga tao na may isang tao pala na halos ibinigay na ang lahat pero hindi pa din nagkaroon ng happy ending.. in the end, siya pa din ang naiwan at umiyak..
Kung dadating man ang panahon na magmamahal ulet ako, sana, ako naman ang MAS MAHAL..
Monday, August 17, 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)